CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, November 23, 2008

Pera sa kuko?

Pera sa kuko?
ni Bartolome V. Casuga Jr.

Noong bata pa ako
May mga pamahiin kami ng mga kaibigan ko
Ito ay ang pera sa kuko
Ewan ko lang kong ito ay totoo.

Ayon sa alam ko
Protinang keratin gawa ang kuko
May iba't-ibang bahagi ito
pero hindi iyon ang punto ko.
Hindi rin manicure o pedicure ang topic dito.

Eto ang parteng masaya
Kaya sa kuko ako ay sobrang maalaga
Kasi meron daw nahuhulog na pera
Kapag may puting bahagi na magpapakita.

Ito yung parteng puti na pumupunta sa dulo
Maputi at maliit lang ito
Nasa ilalim ito ng kuko
Pag ito ay nahulog mula dito
Barya daw ikaw ay makakatagpo.

Naranasan ko na ito nung ako ay bata.
Puti sa kuko ay nagpakita
Laging inaabangan para mahulog na
Para may pambili sa skul ng merienda.

Isang araw kami ay naglalaro
Sa may burol kami ay nagtatakbo
Nung mapagod ako ay naupo
Nang biglang may nahawakan ang kamay ko.

Sa sobrang gulat tinignan ko ito
May kuminang, ito ay tatlong piso.
Sa sobrang galak nagsisigaw ako.
At pagtingin ko sa aking mga kuko,
Puting bahagi ay bigla na lang naglaho.

Mga barya aking inusisa
Wla namang batang nawawalan ng pera
Siguro sa aking kuko ito nagmula
Kaya ako ay nagalak ng sobra.

Totoo ba ito?
O isa lamang kuro-kuro
Dili naman nagkataon lang ito.
Basta saken, may pera sa kuko.

0 comments: