CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, November 23, 2008

Pag-ibig: The second time around

Pag-ibig: The second time around
ni Bartolome V. Casuga Jr.

May napanood na naman akong movie
Chinese ata at ibang klase.
Basta may subtitle ako ay okie
Nakakaintindi naman ng konting Ingles pare.

Di ito powers-powers tulad ng dati
Wala din itong kasamang karate.
Kwento ito ng pag-ibig ng magkaibigang away-bati.
Basta ang sinasabi:
"Live for love, die for love."

Kwento ito ng magkaibigan mula pagkabata.
Nagkakilala sila dahil sa isaong coin na nawawala.
Tapos hinanap ito ng bata at nagkataon naman na nakita ito nung isa.
At mula nun, naging magkaibigan na nga sila.
Sabihin na nating mga 7 years old na sila
kasi pede na silang humawak ng pera.

Nagtagal ang panahon magkaibigan pa rin sila.
Best friends forever na kumbaga.
Sa problema at saya, sila ang magkasama.
Hanggang sa dumating ang panahong nag away sila.
Kasalanan ito nung unang bata kasi nang iwan na lang basta.

Sa kwento, araw ay dumaan na.
At, birthday na nung unang bata.
Si pangalawang bata todo handa kahit di pa sila bati.
21st bday ata kaya dapat bonggang bonnga ang partee.
Pero si unang bata di sumipot.
Kaya mga bisita ay malungkot.

Madaling araw si best friend ay dumating.
Sa labas siya nag lighter lighting.
Kinantahan ang sarili
Di namalayang katatapos lang ng partee.

Si ikalawang bata siya ay nakita
Lumabas at cake na handa ay dala.
Ibinigay sa best friend niya
Pero itong isa tinabig niya
Tumakbo at nagpakawala.

Si best friend nagpasya ng lumayo.
Iniwan ang sulat at ang teddy bear na regalo.
Dala ang bag, sa motorbike sumakay, at nagpakalayo layo.
Dumating ang unang bata parang sira ulo.
Nabasa ang sulat ng kaibigang totoo.
Binitbit ang teddy bear na regalo
at sa kalsada nagtatakbo
Kaya naman pala,
hinahanap ang kaibigang nakamotorsiklo.

Marami pang nangyare
Sa isip ko ay di na mawari.
Basta ang ending nagkita sila
Tapos, sa huli dun ang kissing scene nila.
Simple lang di ba?

0 comments: