CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, December 2, 2008

U turn slot


U Turn Slot
ni Bartolome V. Casuga Jr.

Ikalawang semestre na naman ng taon
Kay bilis talaga ng panahon
Pati pagdating ng dapit hapon
Dalawapu't-isang taon sa buhay ko di namalayang naglaon.

Ngayon, Management ang isa sa inaaral ko.
Bukod sa hindi boring ang klase kong ito,
Gusto ko ito, dahil tiyak matutulungan ako.
At hindi lang yan, ikaw talaga ay matututo.

Planning ang naging usapan namen.
Pati mga pangarap tinalakay din.
Pero nagustuhan ko sa lahat,
ay ang topic tungkol sa U-turn slot.

Sabi ng aming propesora
Sa buhay marami kang magagawa
Merong mabuti at maganda
O dili naman, pangit at masama.

Pero ang ating tatandaan
Tayo ay pawang nilalang lang.
Minsan sa buhay tayo's nagkakamali
Kaya sana huwag tayong matakot magbakasakali.

Para lang tayo'y naglalakbay
Sa agos ng panahon dapat makisabay.
Pero kung sa daan nawala tayo,
May U turn slot para lumiko.

Minsan sa buhay ganyan talaga
Minsan nagkakamali, minsan tama.
Kaya sa buhay tuloy-tuloy lang
Kasi ang U-turn slot ay naririyan lang.

0 comments: