CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, December 9, 2008

Beinte Uno

Isang taon na naman ang lumipas sa buhay ko. Bagong taon na naman ang humahamon saken.

Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Sa nakalipas na taon, naging mapanghamon ito saken. Parang fear factor, kailangan kong harapin ang hbawat hamon na aking kinakatakutan. Pero sa huli, ako ay natalo. Pero masaya naman ako kahit ganun ang naging kinahinatnan nito.

Sa bagong taon, muli akong babangon at lalaban. Muli na naman akong mangagarap. Mga pangarap na pilit bubuin sa aking mga palad. Dalawampu't-isang taon na ako. Oras na para gumawa ng pagbabago. Panahon na para tumayo ako sa sariling mga paa. Gusto kong makita ang sarili kong magkaroon ng buhay mula sa aking pinaghirapan.


0 comments: