Sa bawat hakbang ng iyong mga paa ay may mga bakas na kailan man hindi na mabubura. Iyan ang tinatawag nateng nakaraan. Mga yapak sa bawat hakbang. Mga marka sa ating dinaanan. Mga pangyayareng ating tinatanaw-tanaw sa bawat paglipas ng araw. Mga alaalang pilit nateng binabalik-balikan para namnamin ang mga masasaya at malulungkot na eksena sa ating buhay. Mga yapak ng ating paa na ating nililingon sa bawat pag-usad ng panahon.
Dalawampu't isang taon at mahigit sa tatlongbuwan na rin ang lumipas mula ng ako'y ipinanganak sa mundong ito. Siyam na taon na ang nagdaan ng matapos ako sa elementarya. Limang taon naman na ang nakaraan ng ako'y makatapos sa sekondarya. At magtatatlong taon na rin ng pumanaw ang aking ina. Noong nakaraang taon naman ang may pinakamaraming lalake na aking nakadaupang palad sa kama. At, noong nakaraang Sabado lang naman nang ako ay muling nakipageyeball sa isang di-kakilala.
Ilan lamang yan sa mga yapak ng aking buhay na aking tinatanaw-tanaw sa mga oras na ito. Naalala ko nga noong ako ay nasa Grade 2 at ako'y nahulog sa puno at muntik ng nalagot ang hininga ko. Salamat sa Diyos at nilikha niya akong masamang damo. Isa rin sa mga hindi ko makakalimutang pangyayare sa buhay ko noong makilala ko ang boypren ko. Nadaan sa konting usapan, napadalas ng napadalas, nakuha sa txt at tawagan, hanggang sa kami nga ay naging magkasintahan. Naalala ko pa noong ako'y kanyang nililigawan, araw-araw busy sa cellphone na pinaglumaan. Marami ring mga tinapay, cake at tsokolate. Araw-araw, gabi-gabi inaantay ang matamis kong OO at halik sa kanyang mapupulang labi.
Mga panahong iyon ay nakaraan na. Mga oras na iyon kailanma'y di na maibabalik pa. Mga eksenang ganun kailanma'y di na mauulit pa. Mga oras sa ating buhay na ating pinagsisisihan, pilit bumabalik at kinukulot ang ating isipan. Mga oras na ganun kailanma'y mas di malilimutan. Kaya payo ko sa mga kapwa ko kabataan, sa pagtahak sa inyong daan huwag lingon ng lingon sa daan bagkus deretso lang ang tingin sa patutunguhan. Panahong ika'y malulugmok di na mababago pa, panahong ng pagtamasa tiyak ika'y matutuwa. Marapat sanang bukas mata nating arukin ang lawak at lalim ng daang ating tinatahak para sa masusing pagbubunyi sa paparating na mga pagsubok sa buhay.
0 comments:
Post a Comment