CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Saturday, November 29, 2008

I love Lion


I was surfing through Yahoo! when I saw this video.
I was really amazed!
It is a story about the lion and his human friends.
The video tells us that if we take good care of the animals they will also learn to love us.
Though they are only animals, sometimes they are wild and below the human capacity to think, they also know how to bring back the love that they feel.
It is because they also have the heart to feel love.

Take a look at the video from the link below and you will also be amazed.

http://video.yahoo.com/network/100743807?v=3510621&l=100000248

Photo credit: MikeJonesPhoto from Flickr

Friday, November 28, 2008

Happy Fifty

Akalain mo?
Pang limampu (50) na pala ito?
Para naman masaya gagawin ko,
Ilalagay ko dito ang 50 peyborits ko!
Para mas masaya hatiin naten sa sampu
at may limang ililista dito.

Dahil pagkain ang pinakagusto ko,
Iyon ang unahin naten sa list ko.

Food (ulam):
1. Sinigang na Bangus belly sa miso.
2.Sinigang na pork liempo
3. Kare-kare
4. Pinakbet
5. Chicken-pork Adobo

Drinks:
1. Pineapple Juice (canned)
2. Fresh Milk (low-fat)
3. Water (cold)
4. Iced mocha coffee
5. Coke Light

Merienda:
1. Chinese Roll (BreadOne)
2. Whole wheat bread (Gardenia)
3. Cake (sponge, ref cake, etc.)
4. Street Foods (Isaw, betamax, adidas, etc.)
5. Pancit (Cabagan, Lug-lug, canton, etc.)

Kainan:
1. Bahay
2. KFC
3. Chowking
4. Chef Donatello
5. Mc DOnald's




Read More...

Pag-ibig: The third time around

Pag-ibig: The third time around
ni Bartolome V. Casuga Jr.

Sabi ng isang tauhan sa pelikula,
Ang pa-ibig ay malungkot at masaya.
Huwag mo daw itong pipigilan,
Kasi lalo ka lang daw masasaktan.
Para daw itong bata,
Inosente, walang muwang, mura!

Ang kawalan ng muwang ng pag-ibig kelan man ay di magkakasala.

Sabi naman nung isa,
Ang pag-ibig daw ay mapusok at mapanghusga.
Ito daw ay makasarili,
Wala daw itong idudulot na mabuti.
Bitter ang tauhan sa drama.
Di ba?

Sisirain at babaguhin lang ng pag-ibig ang mundo mo.

***

Ang pag-ibig puno ng pangako.
Antayin mo ako.
Ikaw lang dito sa puso ko.
Hindi ako magbabago.
Andito lang ako para sa'yo.
Ikaw lang ang mamahalin ko,
Pangako!

Hindi naman masama magbitiw ng salita,
Basta kayang panindigan at maipakita.
Ang nagiging problema,
Paano naman kung nakalimot na?
Mananatili ka pa rin bang maniniwala?

***

Ang pag-ibig sa puso daw nagmumula.
Ititibok nito, tapos dadaan sa utak mo.
Ipapakita ng mga mata at ibibigkas sa iyong salita.
Hindi mo mappipigil ito, parang magnetismo.

Restless

Habang ako'y nagpapagaling sa sakit ko
Nanood ng isang movie ang ginawa ko.
Restless ang pamagat nito,
Feeling ko gawang Koreano.
Engrande ang effects at kung-fu,
Ang production at cinematography, Panalo!
Kwento ito ng anghel at demonyo
Nadamay lang ang isang tao.
Agawan ng kapangyarihan ang main topic nito,
Pero siyempre pag-ibig ang pumaimbabaw dito.

Summary:

It is AD 924, at the end of the United Shilla Dynasty. Continuous riots sweep the land ruled by a corrupted government. Evil forces are rampant and malicious demons roam the land. YI Kwak, born with the powers to see spirits, joins the royal demon hunting squad, ‘Chuh-yong-dae’ after losing his fiancée, Yon-hwa to evil demons. YI Kwak excels as the most talented warrior of Chuh-yong-dae and the royal squad seems to gain momentum as powerful fighters against the forces of darkness. Then one day, YI Kwak drifts into Joongcheon, the world of the dead through a strange shrine. Joongcheon, the intermediate world between Heaven and Earth, a place souls remain for 49 days, preparing for reincarnation.

Starring Kim Tae Hee & Jung Woo Sung



Photo credits: http://www.crunchyroll.com

Thursday, November 27, 2008

Confused ka ba o Litong-lito na?

Confused ka ba o Litong-lito na?


Paano kung ganito ang sitwasyon mo:
May karelasiyon kang mahal mo,
Tapos may gustong makipag-kalaguyo.
Ano ang gagawin mo?


Read More...

Sickness


Sickness
ni Bartolome V. Casuga Jr.

Ubo, sipon, at sakit ng ulo
Yan ang sakit ko.
Para lang naman akong tinatrangkaso.
Okay lang, kasi sunod daw ako sa uso.
Pasalamat daw ako,
kasi hindi dengue ang dumapo.

Mula pagkabata napansin ko,
Pag malapit na ang December nagkakasakit ako.
Simpleng lagnat o kaya sakit ng ulo,
pero bago ang kaarawan ko,
gumagaling naman ako.

Maaaring dala lang ito ng panahong nagbabago,
Pero bakit ganun po?
Taon-taon na lang bang ganito?
Kunsabagay, taon-taon namang panaho'y ganito.

Sunday, November 23, 2008

BreadOne once again

Kahapon galing na naman akong MOA
Mall of Asia
Siyempre, di pedeng di ako kumain sa BreadOne
At as usual,
Favorite kong merienda ang inorder ko.

Iced Mocha

Chinese Roll

Take home: Ham & cheese Loaf at Choco Tasty

Binigyan ko rin ng cake ang best friend kong bata sa Paranaque banda.
Si Padangat.
5 taong gulang pa lang siya.
Pag dumadalaw ako sa kanila di pedeng wala akong dala.
Tawag saken, Kuya Bunso
Kapitbahay sila ng kaibigan ko.

Ako na naman

Wala na naman ako magawa.
Muli, sarili pinagdiskitahan ko na.
Ok lang naman db?
Yung inAdobe ko, asteeg ba?


Pera sa kuko?

Pera sa kuko?
ni Bartolome V. Casuga Jr.

Noong bata pa ako
May mga pamahiin kami ng mga kaibigan ko
Ito ay ang pera sa kuko
Ewan ko lang kong ito ay totoo.

Ayon sa alam ko
Protinang keratin gawa ang kuko
May iba't-ibang bahagi ito
pero hindi iyon ang punto ko.
Hindi rin manicure o pedicure ang topic dito.

Eto ang parteng masaya
Kaya sa kuko ako ay sobrang maalaga
Kasi meron daw nahuhulog na pera
Kapag may puting bahagi na magpapakita.

Ito yung parteng puti na pumupunta sa dulo
Maputi at maliit lang ito
Nasa ilalim ito ng kuko
Pag ito ay nahulog mula dito
Barya daw ikaw ay makakatagpo.

Naranasan ko na ito nung ako ay bata.
Puti sa kuko ay nagpakita
Laging inaabangan para mahulog na
Para may pambili sa skul ng merienda.

Isang araw kami ay naglalaro
Sa may burol kami ay nagtatakbo
Nung mapagod ako ay naupo
Nang biglang may nahawakan ang kamay ko.

Sa sobrang gulat tinignan ko ito
May kuminang, ito ay tatlong piso.
Sa sobrang galak nagsisigaw ako.
At pagtingin ko sa aking mga kuko,
Puting bahagi ay bigla na lang naglaho.

Mga barya aking inusisa
Wla namang batang nawawalan ng pera
Siguro sa aking kuko ito nagmula
Kaya ako ay nagalak ng sobra.

Totoo ba ito?
O isa lamang kuro-kuro
Dili naman nagkataon lang ito.
Basta saken, may pera sa kuko.

Pag-ibig: The second time around

Pag-ibig: The second time around
ni Bartolome V. Casuga Jr.

May napanood na naman akong movie
Chinese ata at ibang klase.
Basta may subtitle ako ay okie
Nakakaintindi naman ng konting Ingles pare.

Di ito powers-powers tulad ng dati
Wala din itong kasamang karate.
Kwento ito ng pag-ibig ng magkaibigang away-bati.
Basta ang sinasabi:
"Live for love, die for love."

Kwento ito ng magkaibigan mula pagkabata.
Nagkakilala sila dahil sa isaong coin na nawawala.
Tapos hinanap ito ng bata at nagkataon naman na nakita ito nung isa.
At mula nun, naging magkaibigan na nga sila.
Sabihin na nating mga 7 years old na sila
kasi pede na silang humawak ng pera.

Nagtagal ang panahon magkaibigan pa rin sila.
Best friends forever na kumbaga.
Sa problema at saya, sila ang magkasama.
Hanggang sa dumating ang panahong nag away sila.
Kasalanan ito nung unang bata kasi nang iwan na lang basta.

Sa kwento, araw ay dumaan na.
At, birthday na nung unang bata.
Si pangalawang bata todo handa kahit di pa sila bati.
21st bday ata kaya dapat bonggang bonnga ang partee.
Pero si unang bata di sumipot.
Kaya mga bisita ay malungkot.

Madaling araw si best friend ay dumating.
Sa labas siya nag lighter lighting.
Kinantahan ang sarili
Di namalayang katatapos lang ng partee.

Si ikalawang bata siya ay nakita
Lumabas at cake na handa ay dala.
Ibinigay sa best friend niya
Pero itong isa tinabig niya
Tumakbo at nagpakawala.

Si best friend nagpasya ng lumayo.
Iniwan ang sulat at ang teddy bear na regalo.
Dala ang bag, sa motorbike sumakay, at nagpakalayo layo.
Dumating ang unang bata parang sira ulo.
Nabasa ang sulat ng kaibigang totoo.
Binitbit ang teddy bear na regalo
at sa kalsada nagtatakbo
Kaya naman pala,
hinahanap ang kaibigang nakamotorsiklo.

Marami pang nangyare
Sa isip ko ay di na mawari.
Basta ang ending nagkita sila
Tapos, sa huli dun ang kissing scene nila.
Simple lang di ba?

Saturday, November 15, 2008

Lessons 1

Ang Electric Fan
ni Bartolome V. Casuga Jr.

Napansin kong napakarumi na ng electric fan ko.
Puno na ito ng alikabok.
Hindi lang ito basta alikabok,
maitim na alikabok.
Kaya pala mahina na ang ibinubuga nitong hangin kahit naka no.3 na ito.

Kaya naman naisipan ko itong linisin.
Bukod sa marumi na ito,
tropa ko rin kasi ito.
Kapag nasa kwarto ako, nandun din siya.
Kapag nasa sala naman ako nandun din ito.
Kasama ko ito sa puyatan.
Sa pagtulog.
At akalain mo,
marami din itong alam sa aking mga kalokohan.

Nilinis ko nga ito ng tubig at sabon.
Pinaliguan ko siya.
Nauna pa siyang maligo kaysa sa akin.
Okay lang yun kasi minsan lang naman sa isang buwan kung ito ay maligo.

Habang pinaliliguan ko siya,
meron akong napansin.
Mas marumi ang harapan,
sunod ang gitna,
at pinakamalinis ang likuran.

Lesson:
"Mas marumi ang nilalabasan
kaysa sa pinapasukan."

Baliktarin naten:
"Mas malinis ang pinapasukan
kaysa sa nilalabasan."
Tama ba yun?
Parang katawan lang naman ng tao.
Mas malinis ang bunganga
kaysa sa puwet.
Literal na ngang ganun.
Mas mabaho naman talaga ang utot ah
kaysa sa hininga.


Randomn Posts 3

Wala talaga akong magawa
Ayaw kong manood ng TV, wala na kasi battery remote control ko.
Nakakatamad lumapit sa TV at magpipindot ng marami.
Kaya ito.
Bumalik na naman ako sa walang kwentang blog ko.

Tagal-tagal kong nakatunganga para mag-isip ng ilalagay.
Wala din talaga akong maisip na maganda.
Ayan pumasok sa isip ko tuloy si Betty.
Di mo siya kilala?
Siya si Betty La Fea sa Channel 2.
Pagkatapos ng Diyosa at susundan ng Fear Factor.
Bakit ba siya pumasok sa utak ko eh nag-iisip lang naman ako ng maganda?
Naku, in-love na rin yata ako tulad ni Sir Armando?
Sino na naman ba si Sir Armando?
Si Sir Armando lang naman ang boss ni Betty?
Sa channel 2 din siya makikita.
Sa palabas na I love Betty la Fea.
Pagkatapos ng Diyosa at susundan agad ng Pinoy Fear Factor Argentina.

Since nag-iisip ako ng maganda.
Bakit di na lang ang Diyosa?
Bakit pa si Betty la Fea?
Wahhhh!!!

Sino si Diyosa?
Si Josephine!
Yung taong ibon na nagiging taong isda, tapos nagiging taong kabayo.
Tawag din sa kanya ay Takda.
Paano mo siya makikita?
Manood ka bago mag-Betty la Fea.
Betty!
Betty!
Betty!
Puro na lang Betty.
Wahhh!

Tama na nga.
Baka masiraan ako ng bait.
Wahahahaha!

Randomn Posts 2

Housewife
by Jay Brannan



Natutuwa talaga ako sa kantang ito.

Read More...

Randomn Posts 1


Grabe!
Ang dami ko na atang na i-post para sa isang araw.
Pati sarili ko napapagdiskitahan ko na.
Wah!!!
Pati color ng fonts ko iba-iba na rin.
Mabuti yan para makulay ang buhay.
Hindi lang sa sinabawang gulay.
LoLz!

Random Pics 1

Si Ate Lei: Photoshoot

Kunyare lang...
Heto pa oh.
Bakit ang dami pa?
Waaaaahhhhh!!!!







Sa Kakahuyan...







Sa may pader...



Sa Kawayan...






Ang kasalanan ni Eba...


Wala lang...



Ang taba ko na.

Frustrated photographer talaga ako.
Wah!!!


Read More...

Literatura 2

Si Koy
ni Bartolome V. Casuga Jr.


Nag-iisa na lang ako ngayon
Sa bahay.
Sa buhay.
Sa pagkain.
Sa panonood.


Pero nagkamali pala ako.
Kasama ko pala ang bestfriend ko.

Gusto kong makilala niyo siya.
Siya si Koy!

Siya ang aking kausap.
Kasama sa lahat.
Sa puyatan.
Sa kulitan.
Sa kainan.
Pati na rin sa kalokohan.

Siya ang katabi ko sa pagtulog.
Lagi kaming magkasama.
Kung nasaan ako, nandun din siya.
Sa upuan.
Sa tulugan.
Sa kuwarto.
Sa sala.
Pati nung umuwi ako sa probinsiya.

Sa aking pag-iisa.
Siya ang aking tampulan.
Siya ang aking sabihan.
Siya lang ang tanging kaibigang laging handang makinig saken.
Salamat Koy.

Siya ang aking alaga.
Asong mataba.
Mahal niya ako.
Pero mas mahal ko siya.
Kaya kaming dalawa ay laging magkasama.

Literatura 1

Pag-ibig: masarap, masakit, masaya, malungkot...
ni Bartolome V. Casuga Jr.
Kay hirap talagang umibig
Iiyak ka
Tatawa ka
Magulo
Di mo maintindihan
Pero masaya.

Bakit sa dinadami ng pwedeng gawin sa mundo,
bakit ang magmahal ng isang tao ang di kayang iwasan?

Gagawin mo ang lahat para sa kanya.
Kailangan mong tumawa.
Kailangan mong maging masaya.
Kailangan mong magsakripisyo.
Pero bakit kailangang umiyak?
Kakambal ba talaga ng pag-ibig ang kalungkutan?
At hindi sila kailangang maghiwalay?
Pwede bang kapag nagmahal, masaya ka na lang?

Ang makaramdam ng pagmamahal sa puso ay di maipaliwanag.
Hindi mo mailarawan gamit lamang ang salita.
Minsan, kailangan mong gumawa para maipakita ito.
At sa pamamagitan ng pagsasabi mo ng,
Mahal kita!
Iniibig kita!
I miss you!
Namimis na kita sobra!
Minsan may kasama pang, muah, muah!
Lalo mong naipadarama ang pagmamahal mo sa iyong minamahal.

Ang pag-ibig ay parang buhay.
Minsan nasa ibabaw ka, minsan naman nasa ilalim.
Patuloy ito sa pag-ikot.
Kailangan muna itong mabuo.
Tapos lalago.
Patuloy ito sa paglaki.
Ang ikinaiba lang nito,
Ang pag-ibig ay kailan man di namamatay!

Masaya!
Enjoy!
Parang langit!
Iba ang pakiramdam sa puso.

Masakit.
Makirot sa kalooban.
Kailangan mong lumuha para maibsan ito.
Ibang klase.

Ang pag-ibig wala naman itong pinagkaiba sa pagmamahal.
Nagbibigay.
Maramot.
Minsan naman,
makasarili.
Bakit ba ganyan ang pag-ibig?
Why why love?

Sa bawat pintig ng puso.
Siya ring tulo ng luha.
Tibok ng pusong handang magsakripisyo.
Patak ng luhang kayang hawiin ang lahat ng lungkot.

Malambing.
Yakap.
Halik.
Romansa.
Taglay yan ng pag-ibig.
Diyan nagmumula ang ngiting walang kasing tamis.
Mula sa pag-ibig uusbong ang bagong buhay.
Buhay na magpapatuloy sa nasimulan.
Muli.
Iikot na naman ang mundo.

Iyak.
Pasensiya.
Matinding pagtitiis.
Pag-intindi.
Babaguhin ka talaga ng pag-ibig.
Handa kang isuong lahat para lamang sa pag-ibig.


Pag-ibig.
Salita lang naman ang pag-ibig ah.
Pero bakit nararamdaman?
Masarap.
Masakit.
Masaya.
Malungkot.

Napakahalaga ng pag-ibig.
Tulad ng piso.
Hindi ito basta-basta napupulot lang.
Para itong nawawalang gamit.
Kailangan itong hanapin.
O kaya naman.
Bigla mo na lang itong makikita kung saan.

Pagud.
Puyat.
Sakripisyo.
Gastos.
Pero sayang walang kapantay ang dulot nito.
Makita mo lang siya.
Makasama mo lang siya.
Maramdaman mo lang siya.
Lulundag na naman ang puso mo.
Mararamdaman mo sa kanyang mga bisig,
It is the safest place on Earth.

Nakakabaliw.
Mapusok.
Mapangahas.
Kayang suungin lahat.
Mahirap.
Pero masaya!

Pero bakit tuwing masaya ka,
pagkatapos malungkot ka na naman?
Yan ang masarap sa pag-ibig.
Pagkatapos na naman ng lungkot,
masaya ka na naman.
Ibayong saya na naman.
At diyan mo mararamdaman ang pagiging tao mo.

Puso.
Sing-sing.
Sulat.
Card.
Mga pangako.
Kasal.
Kama.
Mga simbolo ng pag-ibig.
Masakit.
Masarap.
Malungkot.
Masaya.

Bakit ba kailangang umibig?
Bakit ba kailangang magmahal?
Parang tinanong mo na rin,
bakit kailangang kong mabuhay?
Bakit kailangan kong maging masaya?
Hay!

Kung sino ka man.
Kung nasaan ka man ngayon.
Andito lang ako nagmamahal sa iyo.
Ako ang taong magmamahal sa iyo habang buhay.
Pangako ko sa'yo.
Ikaw lang ang taong mamahalin ko.
Kahit si kamatayan di mapipigil ako.
Basta mahal kita at mahal mo rin ako.
Habang buhay at kahit pa sa kabilang buhay ikaw lang ang pakai-ibigin ko.


Nandito lang ako...

Sana magkita tayo...

Ikaw at ako
Sa sarap...
Sa sakit...
Sa saya...
At sa lungkot...
Magsasama tayo.
Ipakita natin sa lupa at sa langit man.
Ang ating pag-ibig ay walang hanggan.

Mahal ko.
Namimis na kita.
Mahal na mahal kita.
Aantayin kita.
Pangako ko yan!
Muah!
Muah!
Muah!

Friday, November 14, 2008

BARTMAN


I love this Bartman blogger template.

Go BARTMAN!

(From: http://www.pyzam.com/bloggertemplates/preview/bartman
-for the code)

Thursday, November 13, 2008


CONFUSED???

That's what I'm feeling right now!!!


Wednesday, November 12, 2008

Banana Vinegar

From this...
to this...
I made this.

This is a preview of what will be my thesis is.

Analysis of the Physicochemical Properties and Determination of Acetic Acid Content of Banana Vinegar

by Bartolome V. Casuga Jr.

College of Home Economics, University of the Philippines, Diliman, Quezon City


Abstract: In this study, the physicochemical properties (pH, TSS, and color) and acetic acid content of banana vinegar were analyzed. Cavendish banana (Musa Acuminata Colla var. Cavendish) was pasteurized and the TSS was adjusted using sugar, after which it went through alcoholic and acetic acid fermentation. Then, the vinegar was subjected to different analyses. After 11 days of fermentation, the vinegar has found out to have a pH of 3.28, TSS of 4.2, a color of pale yellow brown and contains 3.66 (w/v) % acetic acid. The resulting product doesn’t conform to the set standards.


The word vinegar is derived from the French words vin aigre, meaning sour wine. Vinegar is classified as acetic acid fermentation (Adams, 1980; Steinkraus, 2002). It is produced via two-stage fermentation. The first stage is the anaerobic conversion of sugars into ethyl alcohol by the action of yeasts followed by the oxidation of the alcohol to acetic acid by Acetobacter bacteria (Pederson, 1967). It is now one of the most widely used ingredients in the food industry, with worldwide production of 1 million L per year (Hutkins, 2006) and the per capita consumption is 2 liters (Wood, 1985). In the past it has served a wide variety of functions, but today its use is largely confined to food flavoring, production and preservation (Adams, 1980.

Read More...

Sukang Basi


Eto ang hitsura ng suka na gawa sa cane o tubo.

Yan ang naging inspirasyon ko para magawa ang napakawalang-kwentang papel na ginawa overnight para sa papel ko sa AP12 last sem.

Read More...

Feelings...


This is how I feel today.

Hindi ko alam kung bakit?

Basta!

Lately, ganito lang talaga ako...

Sunday, November 9, 2008

I HATE VICTORY LINER BUS




November 3, 2008 - the longest trip in my life. In a BUS!

It was two in the afternoon that day when I started to pack up my things going back to Manila from my semestral break. I finished packing my things at five o'clock. I took a bath, tied up myself and ready for a 10 hour trip back to Manila. I need to go to the bus station, and that is to the next next town. My trip is at seven in the evening. My kuya and our bunso went with me to the station where my father is waiting. My papa works near to the new bus station so he just stayed there. At exactly 7:25 the bus 1626 started its journey back to Manila. I bade good bye to them and ready for the enrolment.

The catastrophe started when we reached Santiago City after two hours. We had a bus stop station. Assuming that it is only a stop I decided not to go down anymore. After 30 minutes of waiting, the bus still not going. I took the comfort room for a small pee and bought some candies for the trip. I went to the back of the bus and there they are the driver and some technicians. I did not bother to ask questions anymore since the operator called for the passengers to get in the bus.

After an hour and a half, I've heard a bang! in the under the bus. It's not only a single bang but it has also a tsug! and another tsuug! again. The bus is still running but when I look in the window trailers full of sacks of rice are faster than our bus. The bus parked on the side of the road so that the driver could check what those sounds were. It's been thirty minutes passed but the driver and the operator are not coming back yet. After, the driver went up and switched off the bus. I assumed that they were fixing the bus. After an hour, still no sign of the bus to continue. Many passengers went down already because it's kinda hot inside already because there was no airconditioner anymore.

I was having a tonsilitis and fever during my trip. What made me more sick was the driver and the operator. It's been two hours passed and we were waiting, along with the other passengers outside, to know what's going on. The two went far sitting and talking to each other. What pisses me off was that, I know that the bus is not working and I don't know why and if is still gonna work. Since the driver went away, I assumed that they cannot fix the bus. The catch is, they are not updating us what is going in there.



We were trapped in a mountanous area and it's cold outside. If you go inside the bus it is hot. So I stayed outside so that I could breath. It's very frustating though to wait for nothing. Sitting outside knowing what to do if is there any back up bus to come or are we waiting for nothing. Luckily, some passengers initiated to approach that driver and the operator and ask what is going on. Instead of the drivers calling for help, it was the helpful citizens of the world passengers. I was proud of the other male passenger for shouting at the operator and driver for doing nothing and just sitiing there. I salute Mr. Ramos for his volunteerism and for being a responsible Filipino citizen.

After two hours of waiting, technicians arrived from Santiago City Victory Liner bus station. Again, an hour for them to fixed the damage of the bus. At last, the bus went off for our trip. Again, after thirty minutes of running the bus got damaged. Whatta h*ll! Again, thirty minutes for repair before the trip safely continued. It was passed eleven in the morning when I arrived in my apartment.

Another bad bus experience again from Victory Liner Bus happened two years ago. It was again in Santiago City but that time I am going back home from Manila for Christmas break if I can still remeber. This bus hit the tanker of Petron. Luckily, it was only the bus and the tanker were damaged. The mirror of the bus was broken and the back of the tanker was deformed. I was with my sister then. They just left their passengers in the gasoline station without asking for assistance from their company. They didn't even care to give us fare for our cut trip home. We paid for the exact amount without a student discount because they are not giving but we did not reach our destination.

So to Victory Liner, damn you! If only there is other bus line near our place I won't bother riding your bus. It's true that you have good buses but your system especially your customer service is BULOK! Pag ako naging mayaman na mayaman ako ang una niyong magiging kakompitensiya!

Baby and Me

Another korean movie hit my Saturday night. Instead of watching anime, I preferred to watch this movie entitled Baby and me. It was again a very simple movie but it has a substance that I require for every movie that I watch. The story revolves around a senior high student for about two-three months of his life.

The title may sound cheezy but it has a lot of values to learn especially to the teens of our generation. The movie may not satisfy the acting, the drama and the comedy but I assure you that it can give you a lasting lesson. And that is to be safe to our sex life, wahahaha! Not only that, it also talks about education, poverty, and realtionship within the family.

While watching the movie I remembered and missed a lot of things especially my mom and my dad. It's true, not sometimes but always, that we more appreciate the people after loosing them. Before the movie is finished, I didn't notice the tears rolling down into my cheeks :*(.

I wish I could finish school first and have a decent job before ending up to this story. Ha ha ha!

Read More...