CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Monday, January 26, 2009

Ang Isla at ang Alak...walang kwentang usapan


Pinangarap mo ba minsan sana makabili ka ng sarili mong isla? OO, isla. Yung tumpok ng lumpa na pinapaligiran ng tubig dagat. Minsan malawak ito, minsan naman kakarampot lang. Mga mayayaman lang ang nagkakaroon ng ganito, tulad ng mga kurap na gobernador, walang proyektong kongresman, o kaya naman ang tamad na senador. Minsan ba sa buhay mo pinangarap mong tumira sa isang isla?

Kapag tumira ka sa isang isla, hindi malalayo sa kaisipang ikaw lamang mag-isa sa islang yun. Ikaw lamang mamumuhay mag-isa. Walang kausap, walang ibang taong nakikita, walang mga kasama, mag-isa ka alng sa init ng sikat ng araw at sa lamig ng gabi lalo na kapag naulan. Gugustuhin mo pa rin bang tumira sa isang isla?

Sa loob ng apartment ko ngayon ay may dalawang kwarto. Isa dun ay tulugan ko at isa naman ay ginawa kong dressing room. Walang ibang nakatira kundi ako. Walang ibang kausap kundi sarili ko. Walan akong naririnig kundi ang ibinubulong ng utak ko. Sa loob ng isang linggo kapag tinamad akong pumasok sa paaralan nasa loob lang ako. Nakakulong, mag-isa, malungkot at mag-isang tumatawa.

Mabuti na kung may nadalaw saken. Salamat at may kausap na ako. May kasamang kakain, kausap sa panonood ng telebisyon at minsan katabi sa pagtulog. Ang buhay ko ngayon ay parang nasa isla. Ikinukulong ko ang aking sarili sa malalamig na pader. Ang mga pader na ito ang naglalayo saken sa sibilisasyon ng mundo.Parang isang isla. Islang tuyot. Islang napupuno ng ingay ng paligid dahil sa ingay ng mga tao at hindi ng mga hampas ng alon sa may baybaying dagat. Init ng siyudad ang naglalabas ng aking mga pawis at halos hindi na maramdaman ang lamig.

Sa mga ganitong pagkakataon, daanin na lang naten sa alak ang usapan...

Read More...

Ang Pagbabalik


Matapos ang matagal na panahon ng aking pananahimik ay muli akong magbabalik para ipagpatuloy ang larangan ng aking pagsusulat. Kahit na nawala ako ng matagal na panahon, ang importante ay nagbalik ako. Nagbalik ako para ipagpatuloy ko ang aking nasimulan. Hindi sa tatapusin kundi bibigyan ko ito ng bagong buhay. Bagong kulay para sa blog na ito, para magkaroon mas magandang usapan at magkaroon ng bagong daang tatahakin.

Sa aking pagbabalik ay pipilitin kong magkaroon ng mga mas magagandang bagay na susulatin para sa lahat. Isa sa mga bagay na iyon ay ang pagbabago ng mundong aking ginagalawan. Kasama na rin dito ang mga nakikita ko sa paligid ng daan aking patuloy na tatahakin.

Kasabay ng bagong taon ay magkakaroon din ng bagong ako. Bagong pananaw, bagong mga gawain, at nga bagong bagay sa aking buhay. Sana sa aking pagbabalik ay mas mabilis na ang pagtakbo at pag-ikot ng aking buhay.

Maraming Salamat!

Read More...