Pag-ibig: masarap, masakit, masaya, malungkot...
ni Bartolome V. Casuga Jr.
Kay hirap talagang umibig
Iiyak ka
Tatawa ka
Magulo
Di mo maintindihan
Pero masaya.
Bakit sa dinadami ng pwedeng gawin sa mundo,
bakit ang magmahal ng isang tao ang di kayang iwasan?
Gagawin mo ang lahat para sa kanya.
Kailangan mong tumawa.
Kailangan mong maging masaya.
Kailangan mong magsakripisyo.
Pero bakit kailangang umiyak?
Kakambal ba talaga ng pag-ibig ang kalungkutan?
At hindi sila kailangang maghiwalay?
Pwede bang kapag nagmahal, masaya ka na lang?
Ang makaramdam ng pagmamahal sa puso ay di maipaliwanag.
Hindi mo mailarawan gamit lamang ang salita.
Minsan, kailangan mong gumawa para maipakita ito.
At sa pamamagitan ng pagsasabi mo ng,
Mahal kita!
Iniibig kita!
I miss you!
Namimis na kita sobra!
Minsan may kasama pang, muah, muah!
Lalo mong naipadarama ang pagmamahal mo sa iyong minamahal.
Ang pag-ibig ay parang buhay.
Minsan nasa ibabaw ka, minsan naman nasa ilalim.
Patuloy ito sa pag-ikot.
Kailangan muna itong mabuo.
Tapos lalago.
Patuloy ito sa paglaki.
Ang ikinaiba lang nito,
Ang pag-ibig ay kailan man di namamatay!
Masaya!
Enjoy!
Parang langit!
Iba ang pakiramdam sa puso.
Masakit.
Makirot sa kalooban.
Kailangan mong lumuha para maibsan ito.
Ibang klase.
Ang pag-ibig wala naman itong pinagkaiba sa pagmamahal.
Nagbibigay.
Maramot.
Minsan naman,
makasarili.
Bakit ba ganyan ang pag-ibig?
Why why love?
Sa bawat pintig ng puso.
Siya ring tulo ng luha.
Tibok ng pusong handang magsakripisyo.
Patak ng luhang kayang hawiin ang lahat ng lungkot.
Malambing.
Yakap.
Halik.
Romansa.
Taglay yan ng pag-ibig.
Diyan nagmumula ang ngiting walang kasing tamis.
Mula sa pag-ibig uusbong ang bagong buhay.
Buhay na magpapatuloy sa nasimulan.
Muli.
Iikot na naman ang mundo.
Iyak.
Pasensiya.
Matinding pagtitiis.
Pag-intindi.
Babaguhin ka talaga ng pag-ibig.
Handa kang isuong lahat para lamang sa pag-ibig.
Pag-ibig.
Salita lang naman ang pag-ibig ah.
Pero bakit nararamdaman?
Masarap.
Masakit.
Masaya.
Malungkot.
Napakahalaga ng pag-ibig.
Tulad ng piso.
Hindi ito basta-basta napupulot lang.
Para itong nawawalang gamit.
Kailangan itong hanapin.
O kaya naman.
Bigla mo na lang itong makikita kung saan.
Pagud.
Puyat.
Sakripisyo.
Gastos.
Pero sayang walang kapantay ang dulot nito.
Makita mo lang siya.
Makasama mo lang siya.
Maramdaman mo lang siya.
Lulundag na naman ang puso mo.
Mararamdaman mo sa kanyang mga bisig,
It is the safest place on Earth.
Nakakabaliw.
Mapusok.
Mapangahas.
Kayang suungin lahat.
Mahirap.
Pero masaya!
Pero bakit tuwing masaya ka,
pagkatapos malungkot ka na naman?
Yan ang masarap sa pag-ibig.
Pagkatapos na naman ng lungkot,
masaya ka na naman.
Ibayong saya na naman.
At diyan mo mararamdaman ang pagiging tao mo.
Puso.
Sing-sing.
Sulat.
Card.
Mga pangako.
Kasal.
Kama.
Mga simbolo ng pag-ibig.
Masakit.
Masarap.
Malungkot.
Masaya.
Bakit ba kailangang umibig?
Bakit ba kailangang magmahal?
Parang tinanong mo na rin,
bakit kailangang kong mabuhay?
Bakit kailangan kong maging masaya?
Hay!
Kung sino ka man.
Kung nasaan ka man ngayon.
Andito lang ako nagmamahal sa iyo.
Ako ang taong magmamahal sa iyo habang buhay.
Pangako ko sa'yo.
Ikaw lang ang taong mamahalin ko.
Kahit si kamatayan di mapipigil ako.
Basta mahal kita at mahal mo rin ako.
Habang buhay at kahit pa sa kabilang buhay ikaw lang ang pakai-ibigin ko.
Nandito lang ako...
Sana magkita tayo...
Ikaw at ako
Sa sarap...
Sa sakit...
Sa saya...
At sa lungkot...
Magsasama tayo.
Ipakita natin sa lupa at sa langit man.
Ang ating pag-ibig ay walang hanggan.
Mahal ko.
Namimis na kita.
Mahal na mahal kita.
Aantayin kita.
Pangako ko yan!
Muah!
Muah!
Muah!